GNU Operating System - Free Software Foundation (FSF)
FSF | FSF Europa [http://www.fsfeurope.org/] | FSF India Mga pagsasaling-wika ng pahinang ito GNU Operating System - Free Software Foundation Malaya na nangangahulugan ng Kalayan Maligayang pagbisita sa Server ng Proyektong GNU, www.gnu.org. Ang proyektong GNU ay inilunsad noong 1984 para makapagdebelop ng isang kumpletong UNIX na istilo ng operating system na libre ang software : ang sistemang GNU. (Ang GNU ay isang paulit-ulit na acronym para sa “GNU Not UNIX” o GNU Hindi UNIX; ang pagbigkas nito ay “guh-noo.”) Ang iba pang mga anyo ng operating system ng GNU, na gumagamit ng kernel Linux, ay malawakan na ngayong ginagamit; bagama’t ang mga sistemang ito ay malimit na tinutukoy na “Linux,” mas tama silang tawaging mga sistemang GNU/Linux . Ito rin ang web site ng Free Software Foundation (FSF). Ang FSF ang pangunahing organisasyon na nag-iisponsor ng ng Proyektong GNU. Ang FSF ay tumatanggap ng napakaliit na pampondo mula sa mga korporasyon o mga foundation na nagbibigay-gawad. Umaasa kami sa mga suporta ng mga taong katulad ninyo na sumusuporta sa misyon ng FSP na mapanatili, maprotektahan at maisulong ang kalayaan na gamitin, pag-aralan, kopyahin, modipikahin at muling maipamahagi ang software ng kompyuter, at maipagtanggol ang mga karapatan ng mga gumagamit ng Libreng Software. Noong nakaraang taon, mahigit sa 67% ng aming pondo ang nanggaling sa mga indibidwal na donasyon. Ang tuloy-tuloy na suportang ito ang pangunahing paraan para maipagpatuloy namin ang aming gawain. Mangyari lamang na isaalang-alang ang pagbibigay ng donasyon ngayon, maging isang Associate Member ng FSF , mag-order ng kopya ng Free Software, Free Society , at/o hikayatin ang inyong kumpanya na maging Corporate Patron ng FSF . Sinusuportahan ng FSF ang kalayaan sa pagsasalita, pamamahayag at ang pakikipag-ugnayan sa Internet, ang karapatang gumamit ng encryption software para sa pribadong korporasyon at ang karapatang sumulat ng software na hindi nahahadlangan ng pribadong monopolya. Ano ang ibinibigay namin Bakit kami naririto Saan kami patutungo Paano ninyo kami tutulungang makarating doon Sino kami Ang ang iniisip ng mga gumagamit ng software ng GNU Site Saliksikin Mapa ng Lugar Links Pilosopiya ng GNU Sining Kasiyahan Software Directory ng Free Software Idagdag sa Directory Mga Proyekto para sa Pagdedebelop ng Software Dokumentasyon ng GNU Mga Lisensiya Mga Pinagkukunan ng Developer Tulong para sa Software ng GNU Tulong FSF! Nag-oorder Nagdodonasyon Associate Membership Corporate Patronage Salamat GNUs GNU at Edukasyon Pagpapanatili na palaging updated Pagpapanatili na palaging updated Salamin Talakayang GNU Mga Tagapagsalita ng GNU Mga Grupong Gumagamit ng GNU Impormasyon mula sa Press Matapang na GNU World Balitang GNU Ang mga kasalukuyang associate member sng FSF ay tatanggap ng isang ipinasadyang mensahe na inirekord ng RMS o Eben Moglen , na angkop na gamitin bilang pambati sa kanilang answering machine, voicemail o home page, kung saan sila’y magiging inspirasyon ng tatlong bagong tao na sasali para maging mga taunang miyembro! Ang nagtatag ng GNU na si Richard Stallman ay magkakaroon ng interbyu sa radioActive San Diego sa Huwebes, ika-6 ng Enero 2005 sa ika-7 NG HAPON PST (GMT -8). Ang mga nakatira sa San Diego, CA, USA ay maaaring makinig dito sa 106.9 FM. Isang pahayag mula sa press ang makikita rito . Naglagay kami ng bandera sa itaas ng pangunahing pahina para pasalamatan ang Poland dahil sa paghadlang nito sa boto sa European software patent. Hinihikayat namin ang lahat ng nagtataguyod ng Kalayaan sa software hindi lamang para gawin nila ang ganito sa kanilang mga sariling site, kundi para na rin makapagpadala ng sulat na nagpapasalamat sa kanila dahil sa ginawa nila ito. May mga karagdagan pang impormasyon na makikita dito . Para sa iba pang mga balita, pati na rin ang para sa iba pang aytem na dating nasa bahaging ito ng Balitang GNU, tingnan ang Anong Bago sa at ang tungkol sa Proyektong GNU. Umaksyon Mga Mamamayan ng US : Hadlangan ang pagsusulong ng isang mapanirang batas ukol sa karapatang-ari Buong Daigdig : Tawagan ang WIPO para palitan ang pangalan nito at Buong Daigdig : Isulong ang kaalaman sa mga panganib na dala ng WIPO Broadcast Treaty Sa Europa: Pakikipagtunggali laban sa mga software patents Mga Mamamayan ng US: Pirmahan ang mga petisyon laban sa mga software patents sa DMCA Kontribusyong Pangmatagalang-panahon: Idagdag sa Free Software Directory Iba Pang Dapat Aksyonan Mga Pagsasaling-wika ng Pahinang Ito : [ ar | az | bg | bs | ca | cn | cs | da | de | el | en | es | fa | fi | fr | he | hr | hu | id | it | ja | ko | nb | nl | nn | pl | pt | ro | ru | sr | sq | sv | th | tl | tr | uk | vi | zh ] Mangyari lamang na ipadala angmga katanungan sa GNU at sa FSF sa Free Software Foundation Voice: +1-617-542-5942 51 Franklin St, Fifth Floor Fax: +1-617-542-2652 Boston MA 02110-1301 USA E-Mail: gnu@gnu.org Mangyari lamang na ipadala ang mga broken links at iba pang mga pagtatama o koreksyon (o mga mungkahi) sa Mga Webmaster ng GNU webmasters@gnu.org Mangyari lamang na basahin ang mga Pagsasaling-wika sa README para sa impormasyon ukol sa pakikipag-ugnayan at pagsusumite ng mga pagsasaling-wika. Karapatang-ari © 1996, 1997, 1998, 1999, 2000, 2001, 2002, 2003, 2004 Free Software Foundation, Inc., 51 Franklin St, Fifth Floor, Boston, MA 02110, USA Ang Verbatim na pagkopya at pamamahagi ng buong dokumentong ito ay pinahihintulutan sa buong daigdig, ng walang royalty o bayad sa may likha, sa anumang midyum o paraan, basta’t ang pabatid na ito ay preserbado. Updated: $Date: 2005/05/05 19:37:01 $ $Author: novalis $